Ipinagtataka ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang kawalan ng imbestigasyon kay dating Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin sa kabila ng pag-uugnay sa kanya sa flood control corruption scandal.
Hamon din ng kongresista sa dating Malacañang official na pabulaanan ang mga alegasyon kaugnay ng umano’y palitan ng text messages niya at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng umano’y kickbacks sa budget insertions.






















