Humiling ng karagdagang mga dokumento ang Independent Commission for Infrastructure o ICI sa Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka, ang nasabing mga dokumento ay may kinalaman sa ilang construction companies na umano'y sangkot sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan.






















