Posibleng mayroon pang mga dating security aide ni former Congressman Zaldy Co ang lumantad bukod sa unang nagpakilalang 18 miyembro ng Philippine Marine Corps.
Ayon sa National Bureau of Investigation, handa silang magbigay ng proteksyon para sa mga ito basta’t lumapit lamang sa kanilang tanggapan.






















