Hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) na ipagpaliban ang paglalabas ng arrest warrant at ibasura ang kasong grave threats na kinakaharap ng Bise Presidente.
Ayon sa kampo ni VP Sara, wala umanong hurisdiksyon ang korte sa kanya.
Samantala, may puna naman ang ilang mambabatas mula sa prosecution panel ng impeachment trial kaugnay ng pagdalo ng Pangalawang Pangulo sa pagdinig ng kaso ng kanyang kapatid.






















