Naninindigan ang Kamara na sumunod ito sa Saligang Batas at mga naunang desisyon ng Korte Suprema nang isagawa ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Tugon ito sa alegasyong may ‘bad faith’ o sinadya ng Kamara na upuan ang unang tatlong impeachment complaints laban sa bise presidente bago i-endorso ng mayorya ang ikaapat na reklamo.