Inaasahang darating sa United States ang mga kinatawan ng Israel at Lebanon upang magpulong sa White House sa loob ng susunod na apat hanggang limang araw, ayon kay President Donald Trump, kasunod ng napagkasunduang ceasefire.
Gayunman, bago pa man magsimula ang usapang pangkapayapaan, lumulutang na ang magkakaibang kondisyon at posisyon ng bawat panig, na maaaring makaapekto sa takbo ng negosasyon.






















