May mga bagong detalye ang inilantad ng isa sa 18 umanong “bagmen” na nagsampa ng reklamo kaugnay ng umano’y malawakang paghahatid ng pera sa ilang mambabatas.
Matapos ang kanilang pagharap sa Office of the Ombudsman, sinabi ng kanilang abogado na naging mabunga ang interogasyon dahil sa mga impormasyong naibahagi ng testigo na maaaring magpatibay sa mga kasong isasampa sa hukuman.






















