Suportado ng ilang mataas na opisyal ng Kamara ang pagkakaroon ng independent body na mag-iimbestiga sa mga umano’y kontratistang mambabatas.
Sa gitna ito ng mga alegasyong sangkot ang ilang mambabatas sa mga umano’y kuwestiyonableng infrastructure projects ng pamahalaan, kabilang na ang flood-control projects.