Tinatalakay ngayong araw sa mababang kapulungan ang panukalang budget ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sa pagdinig, iginiit ng PAGCOR na mananatiling mataas ang ilalaan nilang budget para sa socio-civic projects sa kabila ng pagbaba ng kanilang income.






















