Umaasa si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na masisimulan ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.
Samantala, ayon sa isang miyembro ng House Justice Committee, posibleng matukoy na sa pagdinig sa Abril kung may probable cause ang mga reklamong impeachment laban sa Bise Presidente.






















