Binigyang-diin ni House Committee on Public Accounts at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na hindi nakabatay sa pangakong proyekto o pondo ang proseso ng impeachment.
Ito ang tugon ng Kongresista sa paniniwala ni Senator Imee Marcos na ang pork barrel umano sa 2026 budget ay posibleng magamit upang isulong ang panibagong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.






















