Ikinabahala ng isang House leader ang umano’y pagbabawas ng Senado sa pondo para sa 2026 soft projects ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay House Deputy Speaker at Antipolo First District Rep. Ronnie Puno, nag-aalala siya dahil may mga partikular na proyektong nakalaan para sa kanilang constituents na maaaring maapektuhan.






















