Bagama’t naninindigan ang Malacañang na wala pang krisis sa suplay ng langis sa bansa, mariin itong tinutulan ng ilang senador.
Sa pagdinig ng ad hoc committee ng Senado, iginiit ng mga senador na nasa gitna na ng krisis ang bansa dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.






















