Muling nabanggit si Sen. Francis Escudero sa usapin ng anomalya sa government flood control projects.
Sa pagharap ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee kanina, sinabi nito na kabilang ang dating Senate President sa mga nakakuha ng kickback sa mga naturang proyekto.
Bukod sa kanya, lumutang din ang pangalan ng mga dating senador na sina Ramon ‘Bong’ Revilla at Nancy Binay.
Mariin namang itinanggi ng mga ito ang pagkakasangkot at mga alegasyon ni Bernardo.