Nakaranas ng halos lagpas-tao na taas ng baha ang ilang mga lugar sa Cavite bunsod ng malakas na pag-ulan na naranasan sa nakalipas na dalawang araw.
Sa mga larawan at video na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, makikita kung paano sinagip ng mga ito ang ilang residenteng na-trap sa loob ng kanilang mga bahay dahil sa taas ng tubig.






















