Pansamantalang isinara ng mga awtoridad ang lahat ng beaches sa Northern Sydney sa Australia dahil sa sunod-sunod na insidente ng shark attack.
Isang lalaki ang isinugod sa ospital at nasa kritikal na kondisyon dahil sa malubhang pinsala sa binti nang atakahin ng pating, habang isang batang lalaki naman ang nakaligtas matapos kagatin ng pating ang kanyang surfboard.






















