Positibo si US President Donald Trump na mabilis na mararating ang phase 2 ng US-brokered Gaza ceasefire plan.
Binigyang-diin din ng pangulo na mananagot ang Hamas kung hindi ito agad susunod sa kasunduan.
Kasabay nito, tiniyak ni Trump na magpapatuloy ang suporta ng US sa Israel at handa rin ang bansa sa posibleng aksyon laban sa Iran kung kinakailangan.






















