Siguradong haharap sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber 1 ang kasong crimes against humanity na nakasampa laban dito.
Kabilang sa mga kaso ang murder at attempted murder na umano’y naganap sa panahon na siya ay alkalde ng Davao at nang maging Pangulo.






















