Umaasa si House Ethics and Privileges panel Chairperson at 4Ps Party-list Rep. JC Abalos na pagbibigyan ni House Speaker Bojie Dy III ang hiling nitong makapagsagawa ng pagdinig sa mga inihahaing reklamo sa kanila.
Nauna nang nagpahayag si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na wala munang isasagawang committee hearings kasabay ng pagtutok ng Kamara sa deliberasyon para sa 2026 proposed national budget.