Itinuturing ng ilang senador na tagumpay ang hatol ng korte laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa 7 iba pa sa kasong qualified human trafficking na may kaugnayan sa POGO operation sa kanilang bayan.
Ayon sa mga mambabatas, nakamit ng mga tunay na biktima ang hustisya laban sa pang-aabuso at iba pang kriminalidad na idinulot ng naturang operasyon.






















