Tinututukan ngayon ng DPWH ang mga hakbang para mabawi ang pondo ng bayan mula sa mga nasasangkot sa anomalya sa mga flood control project.
Tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon na bukod sa kaso, target din nilang ma-freeze at maibalik ang mga ari-arian ng mga pinangalanang opisyal at pribadong indibidwal na idinadawit sa mga katiwalian.