Hiniling ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na madaliin ng Department of Agriculture ang pagbuo ng guidelines para sa pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Layunin nito na agad na masimulan ang distribusyon bilang tugon sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.






















