Hustisya ang hiling ng mga magulang ng mga estudyanteng nasawi at nawala matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at New People's Army sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro nitong unang araw ng Enero.
Nais din ng mga magulang na panagutin ang mga nag-recruit at humimok sa kanilang mga anak na mamundok.
Samantala, sumasailalim ngayon sa psychosocial intervention ang Filipina-American na si Chantal Anicoche na natagpuan ng mga sundalo sa lugar ng engkwentro.






















