Aprubado na ng Philippine National Police ang revocation ng mga lisensya ng baril ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Base sa dokumentong nakuha ng UNTV, pirmado na ng hepe ng Firearms and Explosives Office ang rekomendasyon ng FEO – License, Revocation and Restoration Board na kanselahin ang mga lisensya ng mga baril ng senador.






















