Nagpiyansa na sa kasong bungling of evidence si dating Philippine National Police Drug Enforcement Group o PDEG Director PBGen. Narciso Domingo. Ang heneral ay kasama sa 29 na pulis na kinasuhan kaugnay sa natuklasang 990 kilos ng shabu sa Sta. Cruz, Manila noong October 2022.