Hindi isinasantabi ng Senado ang mga legislative work nito sa kabila ng nagpapatuloy na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, inaasahang itatakda matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan iimbitahan ang mga dating bodyguard ni Zaldy Co.





















