Huli sa akto ang dalawang aktibong pulis na umano'y nagbebenta ng mga baril sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan City.
Bukod sa kakaharaping kasong kriminal, iniimbestigahan din ng mga awtoridad kung nagamit sa iba pang krimen ang mga baril na ibinebenta umano ng dalawang pulis.






















