Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development na driver’s license at photocopy nito lamang ang kailangan upang makuha ang ₱5,000 na ayuda ng mga tricycle driver sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng mga ulat na ilang lokal na pamahalaan ang nagsabi umanong kailangan ng stub ng mga tricycle driver para makakuha ng tulong pinansyal.






















