Posible na maging super typhoon ang category ng bagyong Nando na inaasahang dadaan sa Northern Luzon sa darating na Linggo.
Bunsod nito, naghahanda na ang mga disaster risk reduction and management at lokal na pamahalaan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Samantala, inirerekomenda naman ng Office of Civil Defense na magsagawa na ng pre-emptive evacuation ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Nando.