Naghahanap pa ng tamang pagkakataon ang Department of Justice para kunin ang kustodiya ni dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara mula sa Senado.
Si Alcantara ay isa sa mga state witness sa umano’y anomalya sa flood control projects.Ayon sa DOJ, maaari pa ring tanggapin bilang state witness ang ibang testigo sa iba pang kaso na may kaugnayan sa malawakang anomalya.






















