Naniniwala ang ilang kongresista na may sapat nang probable cause para umusad ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa kanila, kabilang sa mga batayan ang final disallowance ng Commission on Audit sa mahigit P73 milyong confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022, gayundin ang pahayag ni Ramil Madriaga.






















