Desidido ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na wakasan ang katiwalian sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Kaya naman, sinampahan na ng DILG ng kaso ang hepe ng BFP na si Director Jesus Fernandez kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mga ambulansya.






















