Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng pagkamatay ng isang Grade 4 learner sa Trece Martires City, Cavite matapos umanong sumailalim sa deworming.
Kasabay nito, tiniyak ng DepEd na rerepasuhin ang umiiral na health at safety protocols at makikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon.






















