Nakatakdang bumiyahe bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan para sa 4 na araw na state visit kung saan inaasahang tatalakayin ang pagpapalawak ng ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa, kalakalan, at pamumuhunan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ilang mahahalagang kasunduan din ang inaasahang lalagdaan sa pag-uusap nina Pangulong Marcos at Japan Prime Minister Sanae Takaichi.






















