Sama-samang naglayag ang puwersa ng Pilipinas, Australia, at Estados Unidos sa West Philippine Sea para sa ika-14 na multilateral maritime cooperative activity.
Sa unang pagkakataon mula nang makomisyon, lumahok sa nasabing pagsasanay ang pinakabagong barko ng Philippine Navy na BRP Diego Silang, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kakayahan at presensya ng bansa sa karagatan.






















