Kabilang sa tututukan ngayon ng Department of Budget and Management ang pagbabantay sa mga flood control projects na nakalista sa General Appropriations Act o GAA.
Muling inilunsad ng ahensya ang isang portal na makatutulong upang makita ng publiko ang nangyayari sa mga proyekto ng pamahalaan, partikular na sa mga flood control project.