Dalawang sasakyang panghimpapawid ng US Navy ang bumagsak sa South China Sea nitong Linggo sa dalawang magkahiwalay na insidente. Ayon sa ulat ng US Pacific Fleet, unang bumagsak ang MH-60R Sea Hawk Helicopter habang nagsasagawa ng routine operation mula sa USS Nimitz.






















