Tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabantay ng Philippine National Police sa mga gasoline stations na sinasabing nagtigil operasyon dahil sa hinihinalang pagmamanipula ng presyo at hoarding ng suplay ng langis.
Ayon sa PNP, may ilang kababayan natin ang nag-report hinggil sa biglaang pagsasara ng ilang gasolinahan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.






















