Posibleng unang hakbang sa pagtatayo ng naval at air base ang pagdeklara ng China na gawing nature reserve ang Bajo de Masinloc.
Ito ang babala ni Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, na sinabing ganito rin ang ginawa ng China sa Fiery Cross Reef at Mischief Reef na nauwi sa malalaking base militar.