Sa gitna ng mga kumakalat na ulat online hinggil sa umano'y destabilization plot sa nalalapit na Araw ng Kalayaan, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang namomonitor na banta mula sa loob ng kanilang organisasyon.
Kasabay nito, nanawagan ang AFP sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat online at kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga beripikadong source.





















