Muling nakaranas ng harassment mula sa mga barko ng China ang mga kababayan nating nangingisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ginitgit at hinarangan ng isang People's Liberation Army Navy vessel at isang barko ng Chinese Coast Guard ang isang bangkang pangisda ng mga Pilipino.
Agad namang nagpadala ng barko ang Philippine Coast Guard upang umalalay sa mga mangingisdang Pinoy.






















