Nakabantay na ngayon ang People’s Republic of China sa mangyayaring halalan sa 2028 sa Pilipinas, ayon kay Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela.
Aniya, ngayon pa lamang ay ginagawa na nito ang paraan upang pahinain ang isyu sa West Philippine Sea at humupa ang kontrobersiya pagdating ng susunod na presidential election.






















