Bahagyang naantala ang biyahe ng ilang eroplano sa iba’t ibang paliparan sa Saudi Arabia matapos ang sunod-sunod na missile at drone attack ng Houthi.
Kabilang sa mga tinarget ang King Abdullah bin Abdulaziz International Airport sa Jazan, Najran International Airport, Abha International Airport at King Khalid International Airport sa Riyadh.






















