Inaasahang tataas ang bayad sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng gulo sa Middle East, ayon sa power utility distributor na Manila Electric Company o Meralco.
Ito’y sa kabila na ang Meralco ay hindi naman kumukuha ng suplay ng kuryente sa mga power plant na gumagamit ng langis.






















