Tiniyak ng Batangas Port Management na limitado lang at walang kanseladong biyahe sa schedule ng mga barko sa pantalan kahit na holiday season.
Ayon kay Batangas Port Manager Aurora Mendoza, kahit holiday, mayroong available na biyahe ng barko patungo sa Oriental at Occidental Mindoro, gayundin sa mga patungong Romblon at Caticlan.























