Labis na sinalanta ng Super Typhoon Nando ang isla ng Babuyan Claro sa bayan ng Calayan, Cagayan.
Halos lahat ng bahay, kabuhayan, at maging mga pampublikong gusali ay winasak ng matinding hangin na may kasamang malakas na pag-ulan at dambuhalang alon na dala ng bagyo.