Mariing pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines ang paratang ng China na gawa-gawa lamang ang isyu ng paggamit ng cyanide ng mga Chinese fishermen sa Ayungin Shoal.
Ngayong araw, humarap sa media ang dalawang tauhan ng Philippine Navy na sangkot sa pagkakahuli sa mga mangingisdang Chinese na may dalang nakalalasong kemikal sa dalawang magkahiwalay na insidente sa nasabing lugar.






















