Naniniwala si House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de lima na hindi kakayanin ng isang acting Ombudsman ang mga referral at reklamong napipinto pang ihain sa tanggapan bunsod ng malawakang katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan.
Kaya naman dapat na aniyang magtalaga ng bagong Ombudsman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.