Walang namamataang konstruksyon ng military base ng China sa Scarborough Shoal ang Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, wala rin silang namo-monitor na deployment ng missile sa loob ng Bajo de Masinloc.
Gayunman, naniniwala ang militar na posibleng nasa loob ng mga warship ng China ang naturang missile habang nakaistasyon sa West Philippine Sea.






















