Agad na nag-deploy ng mga tauhan ang Armed Forces of the Philippines para tumulong sa search and rescue operations matapos ang malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.
Kasabay nito, nagpahayag na rin ng kahandaang magbigay ng suporta ang ilang kaalyadong bansa para sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad.























